HELP! Merong nanlalandi sa asawa ko, anong gagawin ko?

HELP! Merong nanlalandi sa asawa ko, anong gagawin ko? Guwapo, matangkad, at matalino ang asawa ko. Bago pa kami ikasal, marami na talagang nagkakagusto sa kaniya. Hindi naman ako selosa. In fact, never namin napag-awayan ang ibang babae dahil alam kong loyal siya sa akin. Fast forward to today. 8 years na kaming kasal. Mataas na ang posisyon ng asawa ko sa kumpaniya nila. Marami siyang tauhan. Kahit may asawa na siya, marami pa ring nagkakagusto sa kaniya. Okey lang naman sakin yun. Kaso recently, nakatanggap siya ng anonymous text. Sabi ng texter na crush daw ang asawa ko ng kaibigan niya at gusto nilang sopresahin si ate gurl ng birthday greeting galing sa mister ko. Ugh. Malalandi! Anyway, pinakita sa akin ng asawa ko ang text. Ako pa ang nag-reply dahil pilit naming inaalam kung sino ang nagpadala ng message. Iniisip ni mister na baka pinagtritripan lang siya ng mga tauhan niya. Iniisip ko na totoong may haliparot na gustong umaligid. Ayaw magpakilala ni texter, ayaw din niyang sabihin ang pangalan ni malanding ate gurl. Hindi na nag-reply si texter. Makalipas ang ilang araw, tinanong ko si mister kung ano na ang nangyari kay texter. Kung nasundan pa ba ang pag-uusap nila. Sabi niya, wala na daw. Hindi ko ugaling mag-check ng phone so kebs. Naniwala ako. Hanggang lumipas ang ilang linggo. Ewan ko ba kung bakit ko naisip na i-check ang phone niya. Kutob siguro ng misis. Nakita ko na nagtext pala ulit si texter. Binigay ang number ni ate gurl na malandi! Tinuloy pala nila ang plano na ipa-greet sa asawa ko. Ano to?!? Artista ba si mister para kailangan pang pa-greet-greet?!? Malaki ang kumpaniya nila kaya hindi kilala ni mister si ate gurl. (Well, yun ang sabi niya sa akin nung kinumpronta ko siya.) But still, ang napakagaling kong mister, tinext naman ng happy birthday si ate gurl na malandi! Medyo inosente naman ang text niya, simpleng greeting lang naman. Nagreply si ate gurl na hindi daw siya makapaniwala na tinext siya ni "sir" at tanong ng tanong kung si mister ba talaga yun o kung pinagtritripan lang siya. Maang-maangan pa. Si mister sumagot pa! Oo siya daw yun kahit ipagtanong pa sa mga ka-opisina nila. Natapos na dun ang usapan. Not. Noong birthday ni mister, nagtext si ate gurl ng happy birthday. Nagpasalamat naman si mister! Siyempre matapos kong basahin ang mga kalandian na yan, galit na galit ako. Kinausap ko ang asawa ko. Ang rason niya, dahil boss siya, ayaw niyang magmukhang suplado sa mga tauhan niya. Wow. Napakagaling. Out of the goodness of his heart. Magpalakpakan! Ang sagot ko naman, dahil sa ginawa niya, baka isipin ni ate gurl na malandi at ng kaniyang mga kaibigan na walang respeto sa sactity ng marriage na open si mister sa pakikipaglandian. Natatakot din ako na baka sa susunod, hindi lang text ang gawin. Baka mamaya pinupuntahan na siya sa opisina niya at nagpapahiwatig na ng kung ano man. Bukod pa do'n, nasaktan talaga ako dahil hindi sinabi sakin ni mister ang mga bagay na 'yan. Kung sinabi lang sana niya sa akin, nasabi ko sa kaniya na hindi okey sakin na mag-reply siya. Nakakabastos sa akin bilang asawa. Nag-sorry naman sa akin si mister. Pero nabwibwisit pa rin ako. Pakiramdam ko tuloy, nabawasan ang pagtitiwala ko sa kaniya. OA ba ako? Gusto ko talagang gumanti do'n kay ate gurl, sa totoo lang. Kabwisit. Ano ba ang puwede kong gawin? Yun lang. Gusto ko lang mag-rant. Salamat sa inyong pakikinig.

89 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hindi ka OA madam! Mas okay na pinag usapan nyo ng asawa mo yan. Yun nga lang, di talaga maiiwasan na magduda ka o mabawasan ang tiwala mo sa kanya lalo pa na tinago nya yung mga bagay na huli mo na nalaman. Masakit talaga sa ting mga asawa yun. Advise ko nalang sa ganitong sitwasyon is, continue nyo lang yung pagiging open nyo sa isat isa. Just be honest always in all ways. Kung may mga bagay man sya na hindi nasabi sayo at huli mo na nalaman, hindi na ikaw ang may problema dun. God Bless!

Magbasa pa

Nkkainis lang sis may mfa gnyang bbae alam n may aswa un pa nghhnap ng way pra magppnsin sa llaki.. Sarap sindihan ng clitoris nyan 🤣. Eopn mo nlang sa aswa mo pra aware xia sa nrrmdam mo bout dun.. Di bale nega or. Postve ung reaction ng aswa mo. Mas mhirap kung ttahimik ka bka iispin nya n ok lang sau.. And aside of dat may mga llaki dn nman painosente epek kunyare wla lng pero deep. Inside andun ang kulo.. Pro sna di gnun aswa mo sis.. Eopen mo. Lang prti pra alam nya limitasyon nya

Magbasa pa
VIP Member

Alam ko mga galawan ng babaeng mga ganyan! Mga malalandi yan at mukang pera baka gusto nyan c hubby mo kc mataas position nya tapos pogi pa. maniwala kang hinde sila nagkita sa office syempre macurious c hubby mo he's going to ask kung cno ung gurl na un. Ang maganda gawin ay magsurprise visit ka sa office. I mean it's just right di ba you're his wife so ok lang magsurprise dun and manonotice mo ang kilos ni hubby mo kung aloof ba sya. Believe me you will notice it pag nagpunta ka don.

Magbasa pa
VIP Member

Dami na tlga malandi sa mundo. aq Yung partner ko once naiwan nya Ang phone nya then may text ang kawork nya. nagluto daw sya at Don na daw sya kumain. Duh kapal diba. Mukha namang chonggo. tas todong deny Ang Gaga wla daw sya ibig sbhn don pero Yung mga rason nya alam mo tlga na malandi at papansin Ang Gaga. Kinausap ko dn partner ko regarding Don. Todo deny dn. Sabi ko nalang Kung may gusto sila sa isat Isa edi magsama sila. Pero ndi nmn daw sya papatol sa ganung babae.

Magbasa pa
VIP Member

Selosa ako at kung anu ano rin naiisip ko pag may mga ganyan. Kaya di ko na lang pinapakialaman ang celfone ni hubby. Yung mga troll account nga niya sa FB di ko rin alam. Nagtrust na lang ako na di niya ko lolokohin. Parang di ko rin kasi alam gagawin pag ganyan. Meron kasi mga lalaki na wala lang sa kanila yung mga pagreply. Pero mas madami din kasi mga malalanding babae na kahit may asawa pinapatulan. Prayers na lang talaga. Stress lang pag nagoverthink ka.

Magbasa pa

Kung ako dyan. Mag ttxt ako sa malanding baba3 na yan na tgilan nya na gnagawa nya. Landi landi di na nahiya. May asawa na nga ung tao un oa ung bet nila landiin. Sarap sipain sa matres yang malalanding babae ba yan. Haliparot! Bkit kaya may mga babaeng gnyan na gstong gsto pa nilang kursunadahin ung mga lalakeng taken at may asawa. Mnsan nasa babae tlga ang umpisa ng tukso.

Magbasa pa

Ganyan din naexperience ko sa kaworkmate ng asawa ko. Chat ng chat sa kanya. One time naopen ko chat nya at naseen gamit account ng hubby ko. Nagalit ba naman nung di nakapag reply sa kanya at seener daw ang asawa ko. Buti nalang yung asawa ko suplado 😂 Di ko inaway yung girl at kinausap ko lang asawa ko about dun sa girl. Si hubby mismo nakipag away hahahahah

Magbasa pa

sis gawin mong sentro ng relationship nyong magasawa ang Dios, at kahit mahal na mahal nyo ang bawa't isa ay huwag makakalimot na ipagdasal sa Dios ang asaw mo na ilayo sa anumang tukso ng kamunduhan. Si satanas kasi hindi masaya kapag nakikita nyang maayos ang pagsasama ng magasawa, kaya gumagamit sya ng tao na makakasira sa inyo.

Magbasa pa

Sakin mommy kausapin mo ng maus ung girl.na ndi mo gusto ung gingawa nya at ndi un maganda lalot may asawa na ung lalaki n ginganon nya. In nice way momy,para ndi magalit si mister mo. Or txt para malaman nya na alam mo para maalarma sya at umiwas na. Kasi kahit loyal lalaki marupok yan tao lang sila nagkakamali e ka nga nila...buti naagapan po mommy.

Magbasa pa

Kausapin mo, ate. Much better nga kung hindi na pansinin ni mister yung text ni girl knowing na alam niya magseselos ka. Kasi alam niya na may gusto yung babe sa kanya kaya siya na mismo lumayo o prangkahan nalang si ate gurl. Alam mo ‘yon, respeto nalang, diba? Tsaka hindi dapat siya nagtatago ng ganyang bagay dapat open kayo sa isa’t-isa.

Magbasa pa