Baby Acne ni LO

Lumabas yung baby acne ni LO ko nung nag 2weeks sya, mga ilang weeks ba ito bago mawala? Hindi hiyang LO ko sa Tiny buds baby acne, itatary ko tong Mustela Cicastela kung effective.

Baby Acne ni LO
31 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

nung nag 2 weeks din si baby daming ganyan sa mukha nilagay ko lang vaseline petroleum jelly nawala nmn kaya pag nagkaroon sya ng acne sa mukha kahit konti palang nilalagyan ko kaagad

2y ago

2 or 3 days nawala din po...

Nawawala po yan ng kusa. Kung ayaw niyo po na may ganyan si baby pahiran niyo ng breastmilk ibabad niyo overnight. Bukas wala na yung prang mga nana. Matutuyo na agad.

dapat yung sabon niya mommy is lactacyd ganyan din baby ko after 1 week pero ginamitan ko siya lactacyd subrang hamis ng mukha niya ambilis nawala ang mga acne niya

2y ago

baby ko po lactacyd pero Ang Dami nyang acne

normal lang yan mommy. wag na lang maglagay ng kahit ano. sabi ng pedia, hindi naman daw yan nararamdaman ni baby. yung LO ko 2 weeks sya bago nawala.

ako nman sa 2 anak ko diko matandaan nagkaroon sila nyan lactacyd lang gamit ko s knila nun eh. tska nung nag 1 month sila dun ko na sila nilotionan..😊

Nagkaroon din ang LO ko ng baby acne/rashes.. Hinayaan ko lng siya. Sponge bath ko lng siya ng tubig walang anuman na baby wash.. Nawala nman po

hayaan mo lang mommy kusa naman yan mawawala, ganyan rin po sa baby ko nung 2 weeks pa lang yata siya hinayaan ko lang nawala rin naman

VIP Member

Yung akin mamsh.. mga 7days lang nawala na using LACTACYD BABY BATH. Kada ligo ni baby, Yan Yung gamit ko sa kanya

TapFluencer

elica ganyan kadami ung kay baby. ngayon ang kinis na ng mukha nya. as in pagkalagay mo maya maya wala na

madalas cetaphil talaga ang nirerecommend ng pedia. kasi ganun sa baby ko. pero pacheck up niyo po muna.