PAGDIDISIPLINA

Ang sakit. Di mo alam kung san ka lulugar. Pati pagdidisiplina sa anak ko pinapakilaman ako ng byenan kong babae. Ako kasi yung tipo na nasa palo pa rin ang pagdidisiplina tulad sa old version di tulad ng mga bata ngayon. Naiinis kasi ako wala akong magawa dahil nandito pa kami nakatira sa byenan ko kasi wala pa kaming ipon pinabalik kami dito sa kanila kasi nandun ako sa side ko kasi mas comfortable ako dun dahil nga mahirap makisama sa bahay ng byenan mo. Hubby ko kasi stay in sa work every 2mos sya umuuwi tas 4days lang. Simula nung nauwi byenan ko galing abroad nawala na respeto ng anak ko sakin nawala na rin pati takot sakin kasi pagtwing papaluin ko laging sumasawsaw na bat palo daw ako ng palo. So syempre nandito ako sa pamamahay nya hinayaan ko bale di ko na pinapalo anak ko ng hanger. Tas nagpasaway naman anak ko pangalan ko naman tinatawag oag di na nila mahandle ugali ng anak ko. Eh anong gagawin dahil sa kanila kaya naging ganyan attitude ng anak ko pag sinabi nya sinabi nya pag may gusto gusto bigay na. Nakakainis lang tulad kanina. Di ko pinatulog anak ko kasi sabi wag na daw edi naglaro ng naglaro tas ngayon sabi ko gagawa na tayo ng assignment kunin mo na yung bag mo ayon pinagdadabugan ako ng anak ko di ko naman mapalo kasi nga may epal tas biglang nag iyak iyak anak ko nag init na ako kaya kumuha na ako ng hanger tas patakbo sya sa sala kung san lola nya tas Syempre ako buntis nakaupo sa kama hinabol ko sya ng pamalo tas sa braso ko sya natamaan isang palo lang tas yung anak ko OA umiyak kala mo kinatay. Tas nagdadakdak na byenan ko. Bat pinapalo ko daw sa braso narinig nya nga daw palo ko pag ako ba daw pinalo ng ganun di ba ako maiiyak. Tas di ako nagsalita sinigawan ko lang anak ko na "pasok na dito. Gaein mo assignment mo" sabi ng byenan ko pahiyaw hiyaw ka pa dyan parang binabastos mo ko parang ako yung hinihiyawan mo. NAKAKAPOTA LANG. Sabi nya hinahayaan nya na nga lang ako disiplinahin anak ko. Jusme ni hindi ko na nga magawa yun dahil nga sa kontra sila ng kontra. Nagtitiis lang ako at nagpapasensya yung hubby ko sabi nya mag iipon muna kami para umalis na dun tapusin lang pag aaral ng anak ko dito kasi nagrequest byenan ko na dito nalang pag aralin anak ko so pinagbigyan naman namin. Noon din kasi dito din kami sa kanila tas nahahawa anak ko sa mga ugali ng mga tito nya mga kapatid ng asawa ko. Yung nag aaway tas nagmumurahan tas nagbabarahan nagsasagutan naging ganun anak ko tas binago ko yun nung dun ako sa mama ko tumira natabas ko sungay ng anak ko tas ngayon patubo ng patubo na naman.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Bata pa anak ko 5y/o mag si-6 palang sa dec.