Magtatrabaho ba ako o magbantay nang anak?

Gusto ko na magtrabaho kaso di ko kaya Iwan sa byenan ko ung anak ko. Gusto ilayo nang biyenan ko ung anak ko. Balak nila noon dalhin sa probinsya anak ko para daw makapagtrabaho ako. First time mom lang ako at unang apo nila un. Lagi nila kinukuha sa akin anak ko. Ginagala kung saan. Wala ako problem kasi unang apo although pinagseselos nila ako noon. Kesyo sa kanila lang daw sumusunod saakin Hindi daw. Nung komportable na sa kanila anak ko at physically attrached lagi kinikwento Ng byenan Kong babae sa kapitbahay na Hindi daw humahabol sakin anak ko or sumasama sa kanya lang daw. Hindi ko pwede pabayaan na ganun lang kasi MAMA na tawag nang anako ko sa byenan ko. Pinagtatawanan lang nila anak ko pag Minsan tinatawag ako nang anak ko sa pangalan lang. Hindi nila tinatama at ang Malala pinapadede pa nang byenan ko anak ko sa dede nya eh Wala Naman sya gatas

18 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Creepy nman ng byenan mo. Correct mo yung anak mo. Sayo yan. Wag ka pumayag ganyanin ka nila. Paramdam mo din sa anak mo gaano mo sya ka love at kung kaya mo humiwalay kayo ng bahay..

VIP Member

Kausapin mo, straight to the point wag madaming liko. Sabihin mo yung totoong nararamdaman mo. Na di ka natutuwa kahit na biro lang yun. At sabihan mo asawa mo sa ugali ng nanay niya

Sana di magkaganyan byenan ko. First apo rin ng family nila saka dalawa lang anak nya, yung asawa ko at tomboy pa yung pangalawa so sa amin ni husband manggaling ang mga apo basically haha

relate momsh. . napaka habol ng baby ko sa biyenan ko. minsan sasabihan pa ko bat sayo naiyak sakin hindi. nakakasama tlaga ng loob momsh at nakakaselos.

sis sa gnyan case mag alaga ka nalng ng anak mo isapa hnd nla pede ilayo anak mo sayo ikaw ang ina sa gnyan edad ng bata sa nanay pa talaga yan,

VIP Member

Ang sagot ko pati sa katanungan mo, wag ka muna mag trabaho. Ang trabahuhin mo po muna yung BOND niyo mag-ina ❤️ work on that po muna

Mi kung ganyan po ang case bantayan mo na lang po wag ka na po mag work.

Baliw po ba byenan nyo?

1y ago

Hindi po. Well respected po sya sa Lugar nila kasi servant po sya sa simbahan.